-->

Mga gamit na ninakaw umano ng kasambahay sa amo ibinida pa niya sa Facebook

SEMrush


Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang kasambahay na matapos raw nakawin ang mga gamit ng kaniyang amo na aabot sa P1 milyon ang halaga, ibinida pa niya ang mga ito sa Facebook.

Sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, kinilala ang kasambahay sa pangalang Jane Donghil, 22-anyos.

Ayon sa amo ni Donghil na itinago sa pangalang "Angel," at residente sa isang exclusive subdivision sa Pasig City, labis daw nilang pinagkatiwalaan ang kanilang kasambahay kaya hindi sila nagla-lock ng pinto sa mga kuwarto.

Nasa P1 milyon umano ang halaga ng natangay ng kasambahay na kinabibilangan ng mga alahas, damit, sapatos at iba pa.

Ang ibang gamit na tinangay daw ni Donghil sa kaniyang amo na American citizen, isinuot nito at saka ipinost ang larawan sa Facebook.

Nitong nakaraang linggo, lumabas na umano ang arrest warrant laban sa kasambahay, na itinuring kapamilya ng biktima kaya hindi raw nila inakalang gagawan sila ng masama.

Nanawagan ang biktima sa kasambahay na ibalik na lang sa kanila ang mga alahas dahil hindi raw matutumbasan ang halaga nito sa alaala ng pamilya.


Source:GMA NEWS
SEMrush

Author:

Anything you can say about what you had read? Just put it on the comment BOX Below and if you found it worth for reading. Kindly Share it using sharing button above. Thank You.