By: Ariane Jane De Guzman
Isa po akong estudyante, incoming Grade 11 sa Arellano University dahil sa K-12 nadagdagan ang paghihirap ng mama ko dahil dagdag na dalwang taon sa pag aaral. Ang Oroquieta Squater Area sa Recto Manila ang syang naging tahanan ko sa loob ng Isang dekada, dto ko namulat at nagkaisip sa buhay.
Pangit tingnan ang lugar namen skwater kase, madaming adik, madaming masamang tao pero kame dto tulungan kahit madalas may away. Dto kame nakakakuha ng pera sa pang araw araw ng gastusin. May karinderya kame na ang mga suki ay mga driver ng bus station, guards ng LRT line 2 at mga napadaan lang.
Dto kumukuha na ikabubuhay ang libo libong pamilya na hirap kumita ng pera dahil sa kahirapan na hindi kayang matugunan ng administrasyong Aquino at Mayor ng aming lungsod. Pinangakuan nya kme nung una syang nahalal na aayusin nya ang aming lugar pero taon na ang lumipas wla pa ring pagbabago.
Madaming pangakong walang natupad pero wla kming nagng hinanakit. Ang gsto lng namin hayaan kming mamuhay dto ng malaya at may proteksyon kahit na karamihan ng nakatira dto ay masasamang tao pero dto nabuhay. Kaya bakit kailangan nyo idemolish o ipagiba ang bahay ng libo libong pamilyang mahihirap? Mahihirap na kme lalo nyo pa kming pahihirapan.
Inuna nyong ibenta ang Pambansang Paanakan ang Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, ibinenta nyo ito na hindi kinukonsulta sa mga naninirahan sa paligid nito at ang gusto nyo ay paalisin kami at tayuan ng bagong imprastraktura? Isipin nyo pong mabuti ang magiging bunga nito saming mahihirap?
Sabi nyo noon poproteksyunan nyo kame ano hong nangyari ngyon? Para sayo dating Pangulong Aquino aalis ka na nga lang po sa MalacaƱang nagpapayaman ka pa eh natural ka ng mayaman, dati kitanh iniidolo dahil sa magaling ka at napaunlad mo ang bansa natin pero hindi ang mahihiraop, pinaunlad mo ang mayayaman at iyong sarilu pero hindi kaming mahihirao na nagsisikap pero ibinabaon nyo pa lalo.
Sa inyo namn po Mayor Erap isipin nyo po kaming nakatira sa lungsod nyo hwag po ang pera na kailangan nyo.
At para sayo President Duterte, maawa po kayo sa amin. Humihingi po ako ng tulong pra maisalba ang aming lugar, ang aming tahanan.
Nagtitiwala po ako sa inyo na nasa inyo ang totoong pagbabago. Kayo na lamang po ang makakaintidi samin dahil alam konh mauunawaan nyo kame. Inaasahan ko po ang pagbabago mula sa inyo kasabay ng pagsisikap naming mga kabataan sa buhay, tulungan nyo po kaming mahihirap na maging maayos ang buhay, proteksyonan nyo po kming mga nagsisikap. Marami pong salamat.