-->

Druglord's Who's Plans Is To Assassinate Duterte and Dela Rosa TRACED!

SEMrush


Tukoy na raw ni incoming chief PNP C/Chief Ronald Dela Rosa ang mga bigtime drug lords na nasa likod ng planong paglikida sa kanilang dalawa ni President-elect Rodrigo Duterte sa halagang P50 milyon.

Sinabi ni Dela Rosa na kahit umano hindi magbanta ang mga sindikato ay mayroon na talaga silang inihandang aksyon laban sa mga drug lords kaya wala umanong personalan ang inihahanda nilang operasyon para masugpo ang iligal na operasyon ng droga sa bansa.

Tiniyak naman ni Dela Rosa na bibigyan nila ng due process ang mga mahuhuling drug lords dahil may karapatan din naman daw ang mga ito tulad nang karapatang manahimik o right to remain silent.

Pero ang nais nang tinaguriang "Bato" ng PNP ay "forever" nang manahimik ang mga ito.

Agad namang nilinaw ng susunod na PNP chief na hindi naman daw nangangahulugan na basta na lamang nila papatayin ang mga nasa likod ng malalaking drug operations sa bansa dahil lalabas na aniya itong murder.

Dapat umanong may sapat na basehan ang mga otoridad sa pagpatay sa mga drug lords.

Naniniwala siya na isa ito sa mga mabisang paraan para mamatay nang dahan-dahan ang mga sindikato ng droga sa bansa.

Source: BomboRadyo.
SEMrush

Author:

Anything you can say about what you had read? Just put it on the comment BOX Below and if you found it worth for reading. Kindly Share it using sharing button above. Thank You.