-->

More Than 23 People Involved In Drugs Surrendered at PNP Surallah, South Cotabato!

SEMrush

Dahil sa banta ni Duterte, umabot sa dalawampu’t tatlong mga sangkot sa ipinagbabawal na droga ang boluntaryong sumuko sa mga pulisya matapos ang maingay na balita sa banta ng pamamahala ni Duterte na ubusin ang mga ito sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.
Ito ang kinumpirma ni Chief Inspector Joel Fuerte, hepe ng Surallah PNP sa panayam ng nga mga reporter sa Koronadal.

Ayon kay hepe, ang paglitaw ng mga suspected drug pusher at user ay resulta ng kanilang mas pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs na sinimulan noong Abril bago pa man pumasok ang bagong administration ni Duterte.
Nangako umano ang mga ito na titigil na sa pagbenta at paggamit ng droga sa halip magbagong buhay kung saan kasabay ng kanilang pagsuko ang paglagda sa “ certificate of undertakings” ng PNP.
Dagdag pa ng opisyal na sumuko ang mga ito matapos ipaalam sa bawat barangay na may listahan ng mga sangkot sa illegal na droga ang PNP.
Hindi naman ipinalabas ng opisyal ang pangalan ng mga sumuko dahil mananatili umanong confidential ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Source: Kapinoy

SEMrush

Author:

Anything you can say about what you had read? Just put it on the comment BOX Below and if you found it worth for reading. Kindly Share it using sharing button above. Thank You.